Posted 2 years ago

bakit ka gagamit ng iba pa?

Posted 2 years ago
as my new journey begins here in SG, i need a new place where i can stay and gladly one of my friend offered his place to me though i still don’t know how long he can afford shouldering my free lodge in but for now im thankful that there are lots of people who are willing to help their kababayan.
ganito pala ang bahay dito, lahat condo type, tipid sa space, sana in time magaya rin ito ng pinas.

as my new journey begins here in SG, i need a new place where i can stay and gladly one of my friend offered his place to me though i still don’t know how long he can afford shouldering my free lodge in but for now im thankful that there are lots of people who are willing to help their kababayan.

ganito pala ang bahay dito, lahat condo type, tipid sa space, sana in time magaya rin ito ng pinas.

Posted 2 years ago

A to A (airport to airport)

Naku  pre baka ma A to A ka!

Huh? Anong A to A??? Edi airport to airport baka pag dating mo sa singpore pauwiin ka agad sa pinas, nagbibirong sabi ng kaibigan ko. Huwag naman ganon, sagot ko habang natatawa sa idea ng A to A nakakatawang isipin at nakakahiyang maranasan.

Araw ng alis, nakiusap si erpat na sasama daw sya sa airport para ihatid ako, ang sakin naman, abala lang yun dahil hindi rin sya makakapasok sa loob ng airport kaya sabi ko hatid nalang nya ako sa sakayan ng bus, kasama ko pa ang kaibigan ko na dumaan pa sa bahay para lang ihatid ang movie na dinownload namin na gusto ko panoorin kapag dumating na ako sa singapore, kahit medyo sablay dahil walang subtitle ay ayos parin naman, hinatid nila kami pero bago kami tuluyan sumakay ng bus papuntang airport ay nag click muna kami ng camera para sa ilang mga remebrance.

Pag sampa ko sa bus, kahit dalawa pa kaming umalis eh parang mabigat sa loob na iwan ang pinas, iwan ang  mga taong nakakasama mo araw araw at magkakaroon ka ng maraming dahilan para mag drama at magmuni muni, nakakatawa talaga kahit mga kapatid ko doon lang magiging sweet kung kelan na ako aalis, mas nagiging vocal sila sa mga damdamin nila, doon lang magsasabi kung gaano ka nila mamimiss at kung anu anong mga bilin ang ibibigay sayo.

Pagdating namin ng airport naglalaro sa isip namin na “syet ito na talaga, wala ng atrasan to!”

Pumila kami sa kung saan saan para magbayad ng fee, nag timbang ng bagahe, pumila sa immigration at BOOM!!!! Sabit kami ng kasama ko, hindi daw kami qualified na magpunta doon dahil hindi sigurado na may mag sponsor  samin sa loob ng isang buwan eh kahit sa totoo ay meron naman talaga, siguro bikitima rin kami ng nag ttrip na employer ng immigration,  sa hinaba haba ng pakikipag usap ko at sa tulong  ng mga kaibigan eh nakasakay rin kami ng eroplanong byaheng singapore.

Delayed din kami bago nakalipad, siguro mga 45 mins kaming nahuli, ganon pala ang pakiramdam, makikita mo yung pinas hugis nga talaga nya yung nasa mapa, kase pag nasa baba ka akala mo patag, pantay pantay lang ang daan pero sa ere kita mo ang tunay na hugis, parang papel na sinunog ng katol ang mga dulo. Sarap ng pakiramadam mas mataas ka pa sa ulap na tinitingala mo lang dati, minsan kailangan ko pang tumungo para makita ng mas maayos ang mga nakalatag na ulap sa ilalim ng eroplano. Kung hindi ako nagkakamali ang ruta namin ay batangas tapos papuntang puerto prinsesa sunod ang gilid ng brunei ata yun papuntang malasia at singapore na at mga 36,000 feet high  kami mula sa baba, kahit mag seat belt ka pa eh tigok ka parin sigurado kapag nag crash ang plane, pero erase natin ang ideyang iyon.

Ligtas naman kaming lumapag sa lion city at natatakda na naman ang pakikiharap namin sa immigration ng singapore, na isip ko baka nga ma A to A kami kapag hindi ko inayos ang pag sagot sagot sa mga tanong ng babaeng instik na to. Mabuti naman at naging maayos ang lahat, dalawang babae pa bago yung kasama ko na binilin ko na sa babaeng intsik na kasama ko kaya mas okay ang usap nila, wala ng tanong diretso na syang nakadaan, ang sunod naman ay kuhain ang bagahe, mabuti nalang may sundo kami, dun din kami tutuloy sa bahay ng sumundo samin. Bumili ng jim beam isang alak para mag celebrate ng pag dating namin. Sa unang gabi, hindi gumana ang wifi ng laptap ko kaya nanghihram lang ako sa kasama ko. Sa sala kami natulog may dalawang sofa dito, pero nakakahiya din kinaumagahan dahil panay ang daan ng mga tao habang tulog kami, habang ang pangalawang gabi ay natulog kami sa lapag at medyo tago na dahil nakaharang ang dalawang couch samin, ginamit namin ang karton na may saping kumot. Naging tropa na rin namin yung tindero na madalas namin kainan. Ngitian na kami kapag nagtatama ang mga paningin, medyo marunong na kaming gumamit ng mrt, sumakay sa bus at kung ano ano pa, sa ngayon kailangan namin makahanap agad ng work dahil isang linggo lang ang usapan namin sa bahay na tutuluyan namin, ayun ang malaking problema na dapat hanapan na namin ng solusyon.

Posted 2 years ago

wew! hindi naman ako mahilig sa cup noodles pero nagutom talaga ako sa mga nangyari sa airport kaya kahit 100php eh pinatos ko na rin

Posted 2 years ago
[Flash 9 is required to listen to audio.]

paparazzi. version ni van pojas.

Posted 2 years ago

Mt. Gulogod Baboy (oink!)

Act II

Pag labas ko ng aming gate ang nilalakihan ko na ang aking mga hakbang para maabutan ko ang mga jeep sa kanto ng palengke dahil alam kong malapit na akong mahuli sa aming tagpuan. Nang marating ko ang kanto ay mabilis akong pumara ng jeep, kaso lang ang nasakyan kong jeep ay nagpupuno pa ng pasahero kaya naman bawat makitang kanto ng kalsada ay hihintuan at sa mga tantya ko, natigil sya ng mga 60 segundo bawat kanto. ilang kanto ba meron sa lugar namin at kung bibilangin ko ang dami nito at itatayms ko sa 60 secs kahit hindi ko pa ito makompyut (nag aautomatic shutdown ang utak ko kapag MATH) ay alam kong sobrang tagal na to, hindi pa kasama dito ang takbo ng jeep na parang inarkilang sasakyan sa libing, hindi na ako mapalagay dahil alam kong huli na nga ako at nahihiya naman ako kung ako na lang ang hinihintay ng grupo. Panay ang sulyap ko sa aking cellphone at wala pa naman nag haharass na txt na hinahanap o kaya naman ay kanina pa nila ako inaantay at kapag hindi ako dumating ay iiwan na nila ako, walang ganong txt kaya napag desisyunan ko nalang na suportahan si manong driver sa kanyang munting pangarap na punuin ang kanyang munting jeepney. naisip ko kasalan ko naman ito kung bakit ako mahuhuli sa aming usapan, hindi dahil tinanghali ako ng gising kundi dahil wala akong sariling sasakyan o kaya sariling private jet (ang maniwala engot) kasalanan ko nga itong lahat dahil alam ko na maaga ang takdang oras ng pagkikita ay bakit umuwi pa ako at mas pinili ko pa ang matulog sa sariling kwarto kesa doon nalang sana ako nagpalipas ng gabi sa labas ng Rob dasma para hindi na ako ang nahuli ako pa ang nauna tutal hindi din naman pala ako maliligo. pero ito seryoso na talaga, kasalanan natin ang mahuli sa usapan kapag talagang hindi tayo nag asikaso at maagang umalis ng bahay, hindi natin masisi ang mga driver na akala mo arkilado ng namatayang pamilya dahil sa ubod bagal nilang pagmamaneho, anong magagawa natin, nag hahanap buhay din sila. para hindi mahuli sa lakad ay maaga din dapat tayong kumikilos.

sinilip ko ulit akong aking cellphone at wala pa rin naman talagang txt kaya chill na lang ako sa byahe kesa uminit ang ulo ko sa mamang driver na ang tanging gusto lang ay makumpleto ang pang boundary nya. chill lang habang sulyap sulyap sa dinadaanang kalsada at umaasang may makitang kakatuwa sa labas ng bintana, paminsan minsan ay napapasulyap din ako sa katapat, katabi, bumababa at sumasakay na pasahero, pang iwas inip lang kumbaga.

malapit na ako sa babaan ng jeep pero kailangan ko pa ulit sumakay ng isa pang jeep para makarating ako sa aming tagpuan, pero sa mga oras na ito ay nag ring na aking cellphone.

ring ring ring…

hello?! ang sagot ko,

asan ka na? (si sai hinahanap na ako, andoon na pala sila sa tagpuan)

jeep na ako (sagot ko naman.) napaisip akong saglit. kung jeep na ako ang ibig bang sabihin nito ay hindi na ako tao? kinabahan tuloy ako.

“malapit na ako dyan sai” matapos nya marinig ang aking sagot gamit ang aking malamlam na boses (joke) ay binaba nya na ang telepono.

PARA po!! sa tabi nalang.

habang may kasamang katok pa sa bubong ng nasakyan ko na jeep mahirap na at baka lumagpas pa ako at lalong lumayo ang lalakarin ko, matapos huminto ang jeep ay binilisan ko ang kilos ko sa pagbaba at naglakad papunta sa terminal ng jeep papunta sa pala pala. malamig pa ang simoy ng hangin kaya naman nakasuot na agad ako ng jacket. bagamat maaga pa naman, bakas na sa lugar ang pagiging abala nito, nagkalat na ang mga tumatakbong mga sasakyan patungo sa kanilang mga destinasyon. marami narin ang mga tao sa paligid, naglalakad, nag aantay ng pampasaherong sasakyan, yung iba naman naghahanap buhay na, yung iba nagtitinda ng yosi, mais, mineral water at mani na inaakyat sa mga bus habang ang iba naman ay papasok o pauwi na galing trabaho.

isang magandang umaga ito, nilakad ko na ang daan papunta sa terminal ng mga sasakyan, mga byaheng papuntang laguna, batangas at cavite.

nasaan kaya sila nag iintay? tanong ko sa sarili ko… sana naman ay hindi pa mainit ang mga ulo nila kakaintay sa pasaway na kagaya ko.

maya maya pa ay natanaw ko na sila, nakaupo sa isang semento na naka usli sa isang pader, may mga dalang malalaking bag. nakita ko si joan, suot ang kanyang hiking attire, isang mountaineering shirt na may naka sulat na “responsible climbing” na kulay itim at meron siyang black leggings na pinatungan ng shorts at naka rubber shoes na sya, handa sya talaga sabi ko sa isip ko. nakita ko na rin si sai kasama si jc na kanyang nobyo. kilala ko na si jc dahil ilang beses ko na rin syang nakasama sa ibang lakaran, bali apat silang nag iintay sakin, isa pang lalaki, medyo pamilyar ang mukha niya, kung hindi ako nagkakamali ay kaibigan nila sai at jc, nakasama na sya sa christmas party namin sa tagaytay nung nakaraan december pero hindi ko pa alam ang pangalan nya.

nang matanaw na nila ako papalapit sa kanila medyo pansin ko na ang mga kainipan sa mga pagmumuka nila, dali akong lumapit at hinalikan ko si joan at sai sa pisngi bilang pag bati, kinamayan ko naman si jc at hindi ko pa alam kung paano ko babatiin yung isa pa nilang kasama kasi nga naman hindi ko pa alam ang pangalan nya, sabi ko next time nalang pag alam ko na ang pangalan nya tutal makakasama ko naman sila ng mas mahaba haba.

tayo lang ba ang aalis? tanong ko.

hindi kuya sila maris at martin pa, nasa byahe narin sila papunta dito. si joan.

ah ganon ba sige antayin natin, sagot ko.

buti nalang hindi ako ang pinaka huling dumating,nakakahiya naman sa kanila kung ako ang huling darating dun dahil ako ang pinakamalapit sa lugar ng aming tagpuan.

kwentuhan muna kami ng kung anu ano lang, ng issugest ko na lumipat na lang kami sa harap ng mall para doon mag intay, kaya binuhat namin ang mga bag namin at naglakad papunta sa entrance ng mall. doon kasi humihinto ang mga sasakyan at doon naman talaga kami sasakay papunta ng batangas.

maya maya pa ay napansin kaming tumpukan ng mga tao. may isang matandang lalaki na nakaupo sa pathway habang sapo ang kanya alululod habang minsanang hinihimas ang kanyang kaliwang binti. halata sa mukha ng matanda na may kirot siyang nararamdaman.

nakaka awa si manong sa twing mapapasulyap ako sa direksyon nya. at alam kong ganon din ang nararamdaman ng mga kasama ko. kahit hindi na namin usisain kung ano ang nangyari sa matanda ay naririnig namin ang mga usapan ng mga sumaklolo kay lolo sa kalsada. ang sabi raw, bumaba daw si lolo sa jeep, pero sabi ng driver sa may babaan na lang sya bumaba, siguro hindi narinig ni lolo kaya bumaba pa rin sya ng jeep kaya naman nahulog ang pobreng matanda sa kalsada, mabuti nalang at hindi sya nasagasaan.

hays, nakaka awa talaga si lolo. sana okay lang sya dahil baka maisip ko pa sya hangang byahe namin papuntang batangas at hindi pa ako mag enjoy.

maya maya pa may dumating din na isang lalaki, matangkad sya at naka pormang aakyat din ng bundok dahil sa kanyang suot at dalang hiking bag. nilapitan nya si joan at nagusap sila.

si jonas nga pala, sabi ni joan. hindi naman sinabi ni joan kasama namin sya sa bundok ang alam ko lang na inaantay namin ay si maris at martin.

nagsindi ng yosi si jonas at nagyosi malayo sa kinatatayuan namin. marahil ay naiilang pa. tinanaw ko ang direksyon ni lolo. nagulat ako at wala na sya sa kinauupuan nya, at dahil nag alalala ako ay lumingon lingon ako sa paligid para hanapin yung matanda. nakita ko si lolo naglalakad na pala syang papalayo sa direksyon namin, kahit iika ika pa syang maglakad ay umalis na sya. sana nga talaga ay okay na ang matandang iyon.

at dahil inaantay pa naman namin sila maris ay kumausap na kami ng konduktor ng bus dahil pareho pareho kaming hindi alam ang byahe papunta sa anilao, batangas, kahit pa nakapunta na kami ni sai sa lugar na iyon ay may dala naman kaming sasakyan kaya hindi namin alam kung paano ang byahe papunta doon.

“sa nasugbo kayo bababa tapos sasakay kayo papuntang bauan at dun kayo sasakay ng papuntang anilao” sabi ng kundoktor kay joan.

saktong dating narin ng mga inaantay namin kaya sa bus na ng napag tanungan namin na kundoktor kami sumakay, binitbit na namin ang mga bagahe namin at isa isa kaming sumampa sa bus.

may karugtong.

Posted 2 years ago

Mt. Gulogod Baboy (oink!)

Act 1

5:45am

Unti unting dumidilat ang aking mabibigat pang mata, ang sarap pa kasing matulog pero kailangan ko ng gumising ng maaga para hindi ako mahuli sa isang kapanapanabik na lakad. Kahit naman tulog ako ay alam kong tutunog ang aking alarm na isinet ko sa aking cellphone madalas kasi nauuna pa ako sa alarm ko magising pero pramis hindi ako masyadong excited, talagang hindi lang ako nakakatulog ng maaga dahil may pagka adik ako, pero sa mga oras na yon, mabuti nalang at nagising ako dahil hindi ko pala narinig ang alarm,

tutututtutut tututut.

“im on my to palapala, kitakits 6:30am. ingat.”

txt ni joan sakin ilang segundo ng imulat ko ang mga mata ko, Lintek! 5:46 na, medyo late na naman ako, dagli akong bumangon at nagmamadaling pinindot ang mahiwagang button, at nagsimulang mag load ang aking laptap, humingi ng password, at tinayp ko naman… at ng matapos ang loading ay nag tayp ako.

www.facebook.com

aking iniskan ng mabilisan ang mga updates at nagpalit ng aking status.

ANILAO.

ayan ung tinayp ko na status sabay turn off ng laptap at habang namamatay ang laptap ko ay naglalagay na din ako ng gamit at damit sa aking bag na aabot ng dalawang araw. buo na ang desisyon ko hindi na ako MALILIGO para hindi na ako masyadong mahuli sa aming tagpuan. Nang matapos ko na ilagay lahat ng kailangan ko ay tsinek ko ang mga to.

  1. sapatos. check (dapat daw naka sapatos dahil pag hindi, hindi rin makakapasok sa bundok.) parang NO sapatos NO entry ang bagong rules sa namumundok.
  2. mga damit at underwear. check (dahil siguradong mangigitata ako)
  3. jacket. check (maginaw daw sa tuktok ng bundok.)
  4. tutbrash. check (minus tutpeyst, sabon at shampoo)
  5. cologne at deodorant (para hindi amoy last dance kahit naliligo na sa sariling pawis.)
  6. dalawang noodles at isang delatang tuna.check (nakakahiya naman kung hindi ako magbabaon ng pagkain.)
  7. libro. check. (para kung sakaling maubusan ako ng gagawin sa byahe o sa bundok ay magbabasa ako.)
  8. ointment. check. (dahil maginaw sa bundok at siguradong sasakit ang katawan ko sa pagod.)
  9. wallet na may lamang pera. check. (syempre paano ako makaka alis ng bahay kung walang laman ang pitaka ko.)
  10. tubig.check. (dahil magiging pawisin ako sa mga susunod na oras ay kailangan ko daw magdala ng tubig na hindi bababa sa 2 litro, at dahil nag pakabibo ako ang dinala kong tubig ay dalawang 1.5 bote ng nagyeyelong tubig.)
  11. medical certificate? ekis. (wala akong ganito, por dyos por santo! aakyat nalang ako ng bundok ay gusto pa ni joan na magpatingin ako sa doctor ko kung kaya ko pa umakyat ng bundok dahil sa sakit ko sa puso.)

Nang matapos ko iksaminin ang aking mga gamit ay sinara ko na ang zipper ng aking hiniram na bag. kinalas ang mga nakakasaksak na plug para sigurado ako sa pag uwi ko ay hindi pa nasusunog ang aming bahay at pinihit ko ng mahigpit ang mga gripo para hindi tumulo at gumawa ng lawa ng tubig ang mga ito.Nilock ang unang pinto at kinandado ang gate. Handa na ako.

may karugtong.

Posted 2 years ago

Mantsa ng hate video

napasulat lang ako ng blog ulit kanina kasi busy ako sa kakanood sa youtube, may nakita akong link ni ai ai delas alas nag guest sya sa concert ni regine velasquez kinanta yung total eclipse of the heart syempre ano pa ang gagawin ko kundi tumawa mabenta sakin si aiai ewan ko ba. (pasensya na walang punctuation marks mag habol nalang kayo sa hininga nyo)

http://www.youtube.com/watch?v=jRFmvCfHG0o ito yung link


tawa (medyo nangingiti palang)

hala sige tawa pa (ayan may sounds na)

tawa (nyahahaha!!! ayan tawa na ng adik na kulang sa singhot ng mertayolet) ang kulit at bangis ng baba ni aiai

hala!!! tapos na pala, hanap ulit

aiai raining men na link ayan click uli sa pag asang muli akong tatawa.

http://www.youtube.com/watch?v=Wwmx1hjEm4o&feature=related

loading ng bidyo

buffer ng ilang segundo

kahit alam kong hindi naman sya kakanta ng matino nood parin ako.

simula na. okay ang stage, sarap siguro mag prod sa concert (nangrap pa ako ng saglit).

lumabas si aiai,kinanta ang first stanza, nag adlib tumawa ako parang abnoy lang. ayan binuhat na, hinagis, pinasa, initsa habang nag aadlib, multi tasking ang komedyana.

tapos na, hindi ko alam kung sing and dance o adlib lang ang ginawa nya basta ako tumawa.


hanap pa ulit ng nakaka tawang bidyo para masaya.

link link link

may nakita ako, isang segment dati sa palabas na Magandang Tanghali Bayan ng channel 2 yung “high ka diva” segment na kung saan ang mga singers ay magpapataasan ng nota.

http://www.youtube.com/watch?v=m6HqPWrqbLA

yung nasa link si nina uo si nina yung soul siren. ayun tatlo nalang sila si frenchi dy ung magaling kumanta pero medyo mabigat ang timbang kaya hindi sumikat(hula ko lang yun pero magaling talaga) at si claire dela fuente ata yun. si nina hindi na kinaya kumanta siya tapos….

pumiyok. (hindi alam ang irereak)

hala nireply pa (nakunot and noo)

piyok ulit (sure na ako, pumiyok nga takte!! akala ko imagination lang na pumiyok)

tatlong beses ata sa 20 secs hindi ko na maalala basta paulit-ulit, hindi naman ako natawa. kaya tingin ulit sa mga link ng bidyo, wala na akong mapili click lang ng click.

aba meron ulit si nina ulit, aba sikat pala si nina sa youtube pero nung pinanuod ko na, hala parang masisira ang pangalan ni nina dito, puro performance nyang hindi masyadong maganda, mga birit na sablay. nagtaka ako bakit nilagay yung bidyo na yun siguro may galit siya kay nina.(intregerong frog ako sinapian ni tito boy abunda)

habang pipili ako ng ibang bidyo napansin ko yung mga comments

hindi maganda, paninira lang halos lahat, yung iba sumangayon yung iba kumontra.

mahabang balikataktakan, mukang nakakaintrigang basahin

basa lang ng basa, hala nag aaway na sila, pati ninuno nila dinamay na. sabi ko sa isip ko normal lang to mag away sila.

http://www.youtube.com/watch?v=T1JATHKoX2I&feature=related


teka kaso may mga foreigner palang nakakakita nito, minsan kasi english yung gamit nila kaya naiintidihan ng banyaga, alam mo naman tayo minsan bukod sa magaling tayo sa english ay pasikat din kung minsan, para nga naman hindi cheap ang dating kapag nakipag away ka sa cyberspace ay may “arrive” pa rin. “cool” kung baga o “educated” siguro sa salitang english lang educated, bumagsak sa subject na values education. tsk kahit ako medyo mababa ang grade ko dito dati.

nakaramdam ako ng inis sa ting mga pinoy, tayo tayo naglalaglagan at pinapakita pa natin sa ibang bansa. youtube yun, buong mundo may access dun hala ka, ganun pala sa pinas maiisip nila, marumi na nga ang imahe natin sa kanila dahil sa mga hindi magandang balita tapos ganito pa.

naalala ko yung TVC ng AKO MISMO sabi nung isa dun, ” ako mismo hindi gagawa ng blog na ikakasira ng bayan ko” tipong ganyan.

totoo naman talagang dapat hindi gumawa dahil mababasa ng iba, siguro pakiramdam mo napakagaling mo habang tinitira mo ang pinas sa blog mo sa wikang english eh ano kaya ang dating sa mga banyaga?

pati kami dinamay mo pang lintek ka! (sakalin ko kaya bewang ng mga to!)

gumawa din ako ng ganitong blog tungkol kay pakyaw, medyo asar ako sa kanya buti nalang hindi english ang gamit ko.(ui nagmamalinis ako, subok lang, yun eh kung makakalusot lang naman)

ang nakakatuwa pa nito, nagiinit ang mga ulo ng pinoy(pinoy ako, kasama ako dito) kapag may lumait sa mga idol nila sa youtube na banyaga,

tatanungin nila ng

“sino ka sa akala mo para laiitin kaming mga pinoy, hindi mo kami kilala”

eh pano kung sagutin sya ng banyaga na

“eh gusto ko kayong laiitin eh, kayo kayo nga mismo nag lalaitan sa youtube eh, kaya ang ibig sabihin binigyan nyo na kami ng karapatang laitin din kayo, wala kayong suporta sa kapwa pinoy nyo”

(at syempre imagination ko lang na tagalog ang usapan nila sa youtube kaya imaginin nyo nalang din na naguusap sila ng tagalog)

hala ka pano ka na sasagot totoo yung sinabi nya, maaring damay ka lang sa kalokohan ng iba sa youtube pero may mantsa ka na.

mantsa na mahirap mabura.

kaw ba? responsable ka ba?

sana tigilan na nila, natin, ko ang mga bagay na makakasira sa buong pilipino.

simpleng blog o bidyo maaring maging mantsa sa bayan ko dapat maging mas responsable ako

imbis na tatawa lang sana ako naiinis pa ako, pero may natutunan ako. ang mag ingat sa mga post ko. hindi dapat maging dahilan ito na malait ng banyaga ang kapwa pinoy ko.

lipat ng link.

nuod ulit.



Posted 2 years ago

Great Human Lasallian Star.

Headed by: Ms. Joy Sy Parohinog, one of my mentor and a good friend.

Disclaimer: i give all the credits to the real owner of this picture.

Nakaka excite…

nakaka kaba

nakaka tuwa

kakakilabot dahil ramdam ang pagkakaisa.

Animo La Salle!!!

Posted 2 years ago